Wednesday, October 8, 2008

THE RETURN OF THE COMEBACK

THE RETURN OF THE COMEBACK ILANG MONTHS DIN AKO NAGPAHINGA!

Busy kasi sa COMELEC, INTRAMURALS, ETC.

Mag-babalik sana ako sa september but di natuloy...anyways, maligaya ako dahil nakabalik na ako, siguro magkwekwento naman ako about sa experiences ko.

Yun palang past experiences na di ko na share, baka next na lang

Im very glad talaga

Its the season two of KUMEKOK!

keep RocKin!


---FCTalon---

Saturday, August 23, 2008

KUMEKOK SOON!



Monday, July 21, 2008

NOTICE FOR LEAVE OF ABSENCE

Di muna ako makapost!

For some reasons!

I'll be back soon!!!


Thanks for your continous patronage!
--Mr. T.--

Thursday, July 17, 2008

SALAMAT SA COMELEC

Kakapasok lang na balita!

Nagpapasalamat ako sa GACP (General Assembly of Class Presidents) ng SPC sa pagkakabilang sa akin sa COMELEC. Lubos akong maligaya sa inyong pagtitiwala. Sisikapin kong maging mabuting miyembro ng grupo.


Muli magandang umaga!


--Kumekok, FLASH report!--

KOMENTARYO NG GURO SA KANYANG MAG-AARAL!

Sa aking mga students sa last D.R. (Delivery Room) Rotation, narito ang aking mga individual comments. Para matapos na ang inyong agony, heto na kumapit na kayo!

CAUTION: These comments doesn't necessary reflects the person's attitude. These are all
opinions from a person and should not always be ragarded as true or necessary!
PAULO: "Mr. unspokable"
When i first meet this person, sobra talaga siyang tahimik. Di ko alam kung tahimik lang talaga siya or di niya gusto ang kausap niya! Weird! Siya nga yung first student na pag-nagchecheck ako ng attendace, eh! di ko mahagilap kung saan. Meron siyang ugali na minsan nagiging dahilan na maging curios ang mga tao. Actually, matagal pa ako naka-adjust with his attitude. Kasi naman di ko talaga alam kung paano mga-deal ng ganyang mga ugali. Pero as our rotation goes along, marami rin akong nadiscover sa kanya! Una, he is a quite joker. Meron siyang mga jokes na saka mo na lang madidiscover kapag na-analyze mo na ito (tawa...) Di nga siya uniimik pero kapag nagsalita siya, to-the-point talaga! Natatameme na lamang ako minsan. Now i know na kahit ganon si paulo, may potential siyang bata. Huwag lang niyang kakalimutan na ang interpersonal relationship ay importante rin for one's improvement! Advise ko lang sayo na sana, dalas-dalasan mo ang pagsasalita para di mapanis ang laway mo! (tawa...) Keep up the good jod! You can face every endevour that comes your way! Kaya yan!
EDNARD: "Bishop"
Si Ednard naman ay counterpart ni paulo. Siya ang first student na nagpa-sunggo sa akin during our first meeting at the same time nagpashock na rin. Biruin mo gusto niya maging bishop! Wow ha! Shoking talaga! Siya rin ang may pinakamahabang sagot nung tinanong ko sila about their expectation during our rotation. Kahit may mga times na nagiging weird at di ko maintindihan ang kanyang gusto, nangingibabaw parin ang pagiging mabuti niyang tao. Kahit na pinaguusapan na namin siya harap-harapan, still, tinitake niya pari iyon. Diyan ako hanga kay ednard. (Char naman...) Hope that you will realize that in order to be a mature being, kelangan mo munang ayusin kung ano man ang conflict na pumipigil sayo to grow up. Malalaman mo na ang buhay ng tao ay parang isang paglalakaby sa bundok na walang ibang dala kundi ang liwanang ng pagkakaibigan. Value your friends, kahit minsan patay-sindi man sila!
KATHLEEN: "Ms. Blogger"
Actually, siya ang nag-open totally sa akin into the world of blogging, kaya ms. blogger. Anyway, si kathleen during our first meeting is tahimik. Sa aming unang pagkikita palang malalaman mo na na meron siyang ibubuga! Hinid lang sa the way she speaks but in her actions as well. She is also very attentive during our duties. Yes sir yan siya ng yes sir! Tapos she pays attention to her works and makes sure na ginanawa niya ito ng mabuti. Minsan nga lang kalog din itong batang ito. Di siya mahilig mag joke, pero siya ang taga-tawa sa aking mga jokes. Chat-buddy ko rin ito. Kaya lang this past days, di na siya nag-oonline. Bakit kaya? (Hmmm...) Kathleen, keep up the good job, sana di ka magbago, sana mai-reservan mo kami ng application later/slot para sa directors guild (joke...) (Tawa...) Lagi mong isipin na hindi lahat ng bagay sa mundo ay nakukuha sa madaling paraan. You need to strive para maabot o kung ano man ang gusto mong maabot. Marami ang pwedeng mangarap, marami ang tumutupad nito subalit iilan lang ang nakakarating sa kanilang destinasyon ng matagumpay! At sana magkitakita tayo doon.
GENEVIEVE: " Sino ka?..."
Actually, di ko kilala kung sino ang batang ito. (joke...) Si gen ay isa sa tatlong outcast noong first meeting namin. Di sila humahalo sa ibang groups. Hanggang nalaman ko na na-reshuffle pala sila. too bad. (ngiti....) Kahit minsan lang magpakita ng emosyonitong si gen, alam ko na marami siyang talent na hanggang ngayon ay di parin niya ipinapakita sa akin. Siya ay member ng visual arts. Aside from magaling na siyang magdrawing, magaling din pala siyang mag-play ng piano (nakita ko kasi sa primary pic niya sa friendster). She is also good in the clinical area just like her groupmates. Kahit na nawalan siya ng case dahil sa kanyang sip-on, di siya nawalang ng pag-asa bagkus nagpatuloy siya kahit na wala nang dumating na case para sa kanya. Lagi mo lang isipin na ang bawat pagkakataon sa buhay ng tao ay isang magandang oportunidad para harapin at baguhin ang pagtakbo ng buhay nito. Mangingibabaw lamang ang pagbabago kung isasapuso ito at bibigyan ng halaga. Sundan mo lang ang agos ng panahon, maghintay sa pagkakataon.
CHARLENE: "Ang apo no lolo Al!"
Kung napanood niyo na ang Heidi, at kung nakilala mo tong si cha-cha, madidiscover niyo na may great similarities sila. Kung iniisip niyong sa mukha sila magkaparaho, nagkakamali kayo, sila ay mgakapareho sa boses. Imagine niyo na lang! (tawa...) Utro pud ni si charlene. Di siya mahilig magsalita, super tahimik tulad ni paulo. Makikita mo na lamang siyang nakaupo sa isang sulok pinagmamasdan ang kanyang mga groupmates na nagtsitsismisan. Minsan mga lang siya magsalita pero magaling yan sa hospital. Nagka-case pa nga yan ng dahilan lang sa "Sip-on". Dapat magpasalamat siya ng malaki say gen. (tawa...) Advise kolang syo na sana lakilakihan mo pa ang boses mo para hindi ka asarin ng groupmates mo lalong-lalo na si mr. young. May mga bagay sa buhay ng tao na humihila sa kanya paibaba. Subalit, ang mga bagy din na iyon ang mag-aangat sa kanya kung alam niyang patakbuhin ang mga ito. Kinakailangan lamang ng tamang pagdala sa sarili. Walang pag-kukunwari, walang mga lihim! Keep up the good job! take care!
JED: "Mr. Toink!"
Si jed ang natatanging chinese sa groupo. Isa rin siya sa mag nareshuffle from section F. Pero madali silang nakacope-up with each other. Tahimik din siya, minsan lang din magsalita. Sabi nila magaling daw siyang magviolin, sabi rin nial singer din siya! (tawa...) pero di pa niya yun pinapakita sa akin. (tawa...) He is also my chat buddy, mahilig siyang gumamamit ng salitang "Toink!" Ewan ko kung anong rationale". He is also commited in his work sa duty. He always assure na tama ang ginagawa niya. Di siya naghehesitate na magtanong kung may clarifications siya. Mahirap nga minsan ang mga tanong niya! (tawa...) Pero Isa siya sa may highest score sa shifting exam. Good Job! Marami tayong nais makamit sa ating buhay, subalit di natin makukuha iyon agad-agad ng walang binubuhos na hirap. Put first things first dapat! Gawin muna ang mag bagay na importante bago ang mga bagay na maliit lang ang importansiya. Good Job!
JOAN: "Ms. Solariega"
Sa solariega siya nakitira at siya rin ang reigning mutya ng nasabing lugar. Siya ay very articulate in her speaking. Magaling din siyang makipag-usap. Ang dami niyang alam lalo na pag ang pinaguusapan ay pag-kain, chocolates, at mga sosyal na bagay! She was also able to do her job well in the D.R. Siya ang ka-share ko sa mga muvies and everything! Super enjoy ako with her lalona nung dinala niya kami sa may pastilan. Doon ako first time kumain ng barbeque na tag 20 pesos for 7 pcs. Actually, masarap talaga siya. Anyways, sana next time na magkita kami, matulo na ung plano namin na mag-pool party sa kamnlang mansiones. Keep up the goodjob! Lahat ng tao ay may nais makamit. Ikaw,ako, sila, tayo, iisa ang ating mithiin, maging mabuti at masays ang ating buhay. Subalit nakakalimutan ng ilan ang tunay na dahilan ng kanilang pagsisikap. Kaya't nahuhulog sila at di na ulit susubok. Subok lang ng subok! Tumayo sa putikan kung kinakailangan. Wlang mawawala kung susubukan!
ROXANNE: "Malas sa Cases"
Di ko alam kung di pa niya time magka-case sa D.R. or malas lang talaga siya. Marami na siyang napalampas na pagkakataon. Sayang nga ang ilan. Pero isa si roxanne sa mga pinakasmart sa kanilang group. Makikita mo ang eagerness siya to learn during our exposure. She has a lotof questions which really stimulated me a lot. Siya rin ang ka-love team ni ednard. Palagi silang na-aasign na magkasama in a patient. Pero di talaga maiwasan ang kanilang pagbabangayan. Pero at the end of the duty, nareresolve na man. Siya rin ang isa sa aking mga ka-chizmax kapag walang case sa D.R. Always keep up the good job. Lagi mong isipin na kahit feel mo na pinagsakluban ka na ng langit at lupa, ang pag-asa ay di nawawalan ng sikat at patuloy na magbibigay ng liwanag. Sa bawat pagtakbo mo sa karera ng buhay, mawalan ka man ng gasolina, meron ka namang mga paa upang ipagpatuloy ang paglalakbay.
NOVA: "Ms. Jack n Jill"
Di siya isang uri ng pagkain. Siya si Nova Mae. Isa sa pinakamadaldal sa grupo. Marami siyang mga insights at tsisms sa sineshare sa amin kapag free time namin. Actually, when i first met her, akala ko talaga tahimik siya, but eventually, lumabas din ang tunay niyang kulay! Pero kahit daldalerasiya minsan, at korney ang mga jokes niya, wag ka! Attentive yan sa D.R. Concentrate kaayo sa kanyang task. Palagi ko siyang tinutukso sa isa niyang ka-group which is i believe na kinikilig siya! Marami rin siyang mga updates about sa chisms sa kanilang klase. at yun ang araw araw napinaguusapan nila! Naging the Buzz na nga ang aming duty sa daming chika! (tawa...) But i can see her improvements upon the rotation. Keep up the good job girl! You can do what you want kung mag-coconcentrate ka lamang. Dapat magkaroon ka ng isang destinasyon sa buhay na pinakaasam mo, walang mawawala kung maging masikap ang isang tao. Magbubunga lamang ang isang paghihirap kung ito ay inilalaan sa isang bagay na binibigyan ng halaga. Keep reaching the Top!
MADELLE: "Ms. Pinky"
One of my memorable student. Kasi naman first day palang, late na siya. The reason: Nakalimutan niya daw na may duty! (tawa...). Mabuti na lang di agad dumating ang aming
c.i. Mabuti na lang mabait akong PCI (Char...) Anyways, si pinky ay di maipagkakailang sosyalera, fashionista, at talkatera. Siya ng reyna ng mga chika. Ang dami niyang alam na hindi ko alam. Kahit sa mga classmates ko! Shocking talaga. In terms sa duty, no questions. Super dedicated sa work! With good establishment of rapport pa. Super close siya sa kanyang patient. Marami rin siyang mga surprises na tinatago na masusunggo ka na lang tulad nung aming defense. (tawa...) Makikita mo talaga ang developments sa kanya. Super nag-iimporove siya! Ang mga changes ay significant. Makikita mo na she learned a lot from this rotation. Sa katunayan, isa siya sa highest scorer sa shifting. Keep up the good work Pinks! Remember that failures are not the end of everything. Marahil ay simula pa lang ito ng malaking challenge para hubugin kang maging isang matatag na tao. Di nasusukat ang katalinuhan o katapangan ng isang tao sakanyang mga medalya at ginto. Makikita ito sa mga pagsubok na nalampasan niya. Kung ilang beses siyang bumangon sa bawat pagkakadapa. Patuloy lang sa pagbangon. Maghihilon din ang sugat sa taman panahon. Ang pwede lang nating gawin ay maghintay!
Whew! Pigang-piga na ako. Sana mabasa niyo ito lahat! Take care always. You can comment about this on my friendster Account.
--Chosen to be invisible---

Wednesday, July 16, 2008

CULMINATION DAY NG AKING KUMEKOK FRIENDS


HaY! This is the last day of my PCI rotation. Excited na malungkot. Excited dahil panibagong rotation naman kami. Malungkot dahil di na mauulit pa ang mga happy memories namin with my kumekok friends (BSN-3D, Group 4). Sa totoo lang, isa siya sa pinaka-memorable na rotation through my whole college year. Whew!



We started the day with the re-defense of NCP's. Ngayon, better na ang kanilang NCP. Improved na. Then after nag shifting kami. Mga one hour din akong nakatunganga sa kawalan, pinagmamasdan ang aking mga estudyanteng kumukunot ang mga kilay habang sinasagutan ang ang test paper. (boring...) After that, umalis na kami sa DR room. Outside, nag meeting kami about sa aming culmination. Honestly, ito ang pinaka-expensive na culmination na napagdaanan ko! Kasi naman, 100 ang amot-amot, but it was all worth it! Super (ngiti...)



Marami rin kaming pinagmeetingan about sa mga menu. At sa huli, nagdecide kami na cake, ice cream (care of Nova and Roxanne), spaghetti sa jolibee (suggestion ni Joan), soft drinks, and others. Tapos pumunta na kami ng mall para mag-lunch at bumili ng mga gamit and/or foods para sa culmination. After noon, pumunta kami sa library with glossy para mag-check ng test papers sa shifting exam kanina! Then, ang highest score ay 75.5/100 = 88%. It was Ms. Dela Pena and Mr. Young who got the high score. Makikilala niyo ang mga students ko sa mga susunod na entries.



Then, nag-discuss na kami ng answers about sa shifting, then simula na ng kainan. Tulad ng plano, may ice cream, cake, at etc., pero wala kaming spaghetti. Ewan ko kung bakit?

Anyways, narito ang mga pictures sa aming culmination.!!












Truly a memorable experience. Hinding-hindi ko ito makakalimuan. Siya nga pala, magpapasalamat ako sa mga gifts na binigay ng mga students such as "Mind Twister" and Frame na may picture ni tita glo. Thanks a lot guys!



Abangan ang aking comment sa aking mga students sa next post!


Thanks sa lahat, kumekok friends!



--Mr. T.--

Tuesday, July 15, 2008

THE MYSTERY OF KUMEKOK-REVEALED!!!

Sino ba talaga si kumekok?
Maraming mga friends ang naiintriga!
Marami rin ang di makatulog sa gabi kaiisip kung ano ang kumekok!
Marami rin ang gumawa ng sarili nilang theory about dito, narito ang iilan:

"ANG KUMEKOK AY ANG TAHANAN NI KOKEY"
Remember niyo pa ba ang alien na walang ibang ginawa sa buhay niya kundi ang magpalaki ng ulo? Oo, tama ka! Si kokey ang tinutukoy ko! Ang alien na luminlang sa buong sambayanan! (tawa...) Sabi nila ang kumekok daw ang tirahan ni kokey. Ang sabi ko naman, ang tirahan nitong si kokey ay ang planetang yekok! So, sa mga nag-iisip na na-derived siya sa salitang iyon, sana maging kamukha kayo ni kokey! (bhwaaa...)

"SI KUMEKOK AY ISANG KOMIKS"
Sa mga nag-iisip na ang kumekok ay na-derive sa greek word na "komiks", mali nanaman kayo. Marahil ang mga nag-iisip nito ay hindi parin maka get over sa lumang technology nila abueg at balagtas. Hello, di na uso ang komiks noh! (tawa...)


ANG TOTOO....

Narito ang tunay na dahilan kung bakit kumekok ang title ng blog ko....
si kumekok........

toge inse turoy me abot uney botruy. sememsi dei gei to touy gesges aki mirka lokve
sumek huo derik werki de de ki k i ser fero gour ike dery sou die die so uor pour kiye doi

no maminsan, madi mo talaga maawatan apay nga kasta. Ti mabalin mo lang nga aramiden ket agguray, uray man mabayag. Ta iti pannaguray, adda bileg, ket no adda bileg, adda ti damag a a naimbag!


This is the first and last time that kumekok reveals himself/itself . If di iyo na gets, text me: 0009869586.


AJA KUMEKOK!