Friday, June 27, 2008

GANGES RIVER, UMABOT SA DAVAO CITY

If nabasa niyo ang first installment ng "BOB ONG BOOKS" madali niyong malalaman kung bakit ganito ang titile ng entry ko. (tawa...) Anyways, malalaman niyo rin mamaya sa content (ngiti...).

Buong araw kung tinapos ang report ko para sa 8 units na subject. Pero di rin pla ako makareport (hinayang...) And i also notice na parang walang deriksyon ang aming discussion. Di ko alam kung ano ang dapat kung alalahanin sa ni-lecture. Ang dami kasing sources, grabeh! But in faireness to our instructor, she made us understand na ganun talaga ang situation. Sabi niya, meron daw silang notes sa mga topics (yun daw ang maglabas sa exam). Pero di daw nila ipapahiram. Sabi ko naman sa sarili ko, sana ipahiram na lang nila para wala nang pahirapan pa. (hay!...)

As usual, binagyo nanaman ang 5:30-7:00 ko na time. Walang signal classification ang makaka-rate. Ewan ko ba, basta "political subject" na ang pinag-uusapan, waring gulong-gulo ang utak ko. (Banabag...) Kasi naman, you need to memorize a lot of provisions. Grabeh, super to the max na memorize. Pero infaireness, napakagaling niya maglecture ha (impress...). Magaling din siya mag-paikot ng question. Hay! ewan ko ba sa kanya! Nakita ko pala si kumekok kanina! (Tuwa...)

Heto na ang pinaka-puso ng aking entry. Ang paglusob ko sa "GANGES RIVER NA UMABOT SA DAVAO" I expected na uulan talaga, pero di ko inexpect na babaha ng tuluyan. So pagkatapos ng class di pa ako umuwi. Aside na mag-photocopy pa ako ng notes, malakas pa ang ulan. At tsaka tanaw ko ang dagat ng tubig na color dark bown na umaaligid sa buong SPC. Para tuloy naging isla ang school. Anyways, pagkatapos ng photocopy, lumabas na ako with myclassmates. Pinilit ko talagang makaalis sa "ISLA". Kaya't nag-reroute kami sa mag gilid ng SPH. Pagdating duon, naku! nadatnan namin na sumasalang na sa "OBSTACLE COURSE" and mga tao para lang makatawid. Hindi ko talage maisip kung paano ko i-dedescribe ang obstacle course. basta may mga bato na pwede mong apakan, pero pag-nadulas ka, malulunod ka sa "GANGES RIVER". As in super nakakatawa ang incident na yun. (tawa...) Basta! Tapos, nakarating na ako sa mall. Nadatnan ko doon ang napakaraming tao na nag-hihintay ng TAXI. Subalit, sa pag-aninag ko sa ulan, ni-isang taxi wala akong makita. Grabeh! (mangha...) Kaya't pumasok na lang ako sa mall para na rin magpa-change. Hanggang nakita ako ang isa kong classmate na si "Blanche". Ayun sabay kami sumakay ng dyip pauwi. Tanong! Paano kami nakasakay sa dyip ng ganoon kadali? Actually, di kami sumakay ng dyip na papunta na talaga sa aming distination, bale nag-libot pa kami. But, im very lucky na konti lang ang siningil ni manong driver. Then sumakay ako ng taxi sa buhangin hanggang nakarating ako sa bahay! Whew! at last (hinga...)



Natutuwa at nahahabag talaga ako sa mga stranded na pasahero. Ang dami nila. Para silang mga langgam. (tawa...)



KOMEKOK (PART 2)


PULUBI

Pagsampa ng talampakan sa kalsada
Simula na ng mahabang paglalakbay
Babaybayin bawat sulok ng eskinita
At doon sa grasya'y maghihintay


Kung di sapat ang grasya
Kakatok sa mga bintana
Hihingi at magmamaka-awa
Itataya ang buhay para sa barya


Kung wala paring darating na himala
Sa patalim ay kakapit na
Diyos na lang ang bahala
Magpatawad at Magparusa


Pagsampa muli ng talampakan sa kalsada
Magsisimula ang bagong paglalakbay
Ngayo'y di na patungo sa eskinita
Kundi sa isang malalim na hukay

6/27/08

No comments: