Saturday, July 5, 2008

INVISIBLE TO EVERYONE

Being invisible to everyone means being an outcast. At yun ang ginagawa ko ngayon. Outcast! No one disturbs me! Peaceful and walang inaalala. But bakit pa ako nag-online kung mag-ooffline din naman ako. (ngiti...) Ang sagot diyan ay simple lang. Wala lang, trip lang. (tawa...)

Anyways, nagview pala ang classmate ko sa aking blog. Sabi niya huwag daw akong mag-banggit ng names ng mga teacher at subjects na tinuturo nila, and sabi pa niya dapat safe ang comment. I accepted her comment kaya nga i-ingatan ko na ngayon. (seryoso...)

Masyadong mabagal ang oras kanina, from 7:30, derideritso ang aming klase hanggang alas 12:00 pm. Tapos pag-ka 1:30 pm meron pa kaming nursing assembly. Magcocoment pa sana ako about sa mga bad things sa event kaya lang napag-isip-isip ko na baka mapuno ang blog. Anyways, one intermission number na nakapa-wow sa akin ay ang performance ng "DREAMGIRLS" group. Grabe (mangha...) ang galing nila. Kaya siguro sila nanalo sa group impersonation contest. Hay! parang yang part lang ng show ako nag-enjoy ng todo, although magaling ang pag-emcee ng mga post-graduate na students. Overall naging mapayapa naman ang pag-lulunsad ng program.

Heto, pagkatapos ng program, umatend kami sa RCY (Red Cross Youth) na assembly. Grabe ang tagal nag-start, kaya siguro sila tinaggalan ng sound system. Hoy! Kalas sa Kuryente (Nagdadabog...) Anyways, nakahanap naman sila ng paraan, yun nga lang super limited ng mga tengang pwedeng makarinig ng nakakarindi nilang boses. Ang mga intermissions, i really dont want to comment (galaiti...) (sabik...) Hindi ko na tinapos ang program kasi waring ang mga "officers " lang ang nag-eenjoy. Hayaan mo, let them enjoy, sila naman ang nag-prepare, may karapatan sila! (tawa...)


As usual, Star Scholar naman ng PDA si... ano nga pangalan nun? AH! Liezel ng Pinoy Dream academy season 2. Sa wakas, nakita ko naman si TONI. Kung ano ang papel ni TONI sa buhay ni kumekok, yan ang dapat niyong abangan..


Pagod na ako sa paghihintay. Gusto ko nang matulog, pero di ako pinapayagan ng aking isip. Nais pa nitong maghintay! Hay (pangamba...) Kelan ba matatapos ng bagyong ito. Feel ko napapalayo na ako sa isang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Ewan ko ba! Ewan ko talaga.


Siguro after 15 minutes pagkatapos ko mai-publish eto, kung hindi pa siya dumating, matutulog na lang ako. ZZZZZzzzzzzz....

PUT FIRST THINGS FIRST!

No comments: